Lalo pang bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong Martes, sa kabila ng may low pressure area sa silangang bahagi ng bansa na malaki ang posibilidad na maging bagyo.

(Photo by Jansen Romero)

(Photo by Jansen Romero)

Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes ng umaga, patuloy na bumababa ang tubig sa Angat Dam, na lampas na sa critical level sa 158.77 metero.

Ito ay 0.32 metrong mas mababa kumpara kahapon, na nasukat sa 159.09 metro. Nasa 210-212 metro ang normal level sa dam tuwing tag-ulan.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Executive Director Sevillo David Jr., kung walang pag-ulan na mararanasan sa Angat Dam watershed, “its current level might be lower than the record low of 2010 by end of this week.”

Nasa 36 cubic meters per second ang kasalukuyang water allocation para sa domestic supply, mula sa dating 40 cms simula nang bumaba sa 160-meter critical level ang tubig sa dam nitong Sabado.

Samantala, sa kabila ng problema sa tubig sa Angat Dam, isang LPA na nasa 450 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan ang may malaking tyansa na maging bagyo sa loob ng 48 oras, at tatawaging ‘Dodong’.

Bagamat hindi inaasahang magla-landfall sa bansa, sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin na magdadala ang southwest monsoon ng maulap na papawirin at mga pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras, Iloilo, Zambales, at Bataan.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

-Ellalyn De Vera-Ruiz