Nasa 10 kilo ng shabu, na nagkakahalaga ng P68 milyon, ang nakumpiska mula ng Batangas Police Provincial Office mula sa isang bahay sa Lipa City, na sinalakay ngayong Lunes.

HULI KA! Nasa 10 kilo ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis-Batangas nang salakayin ang bahay ni Eugene Fernandez sa Bgy. San Francisco, Lipa City, ngayong Lunes ng hapon.

HULI KA! Nasa 10 kilo ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis-Batangas nang salakayin ang bahay ni Eugene Fernandez sa Bgy. San Francisco, Lipa City, ngayong Lunes ng hapon.

Ayon sa report ng BPPO, sinalakay ng pinagsanib-puwersa ng Provincial Intelligence Branch (PIB), Special Weapons and Tactics (SWAT), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4A, at Lipa City Police, ang bahay ni Eugene Fernandez.

Sa bisa ng mga search warrant para sa illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165), sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Fernandez sa Barangay San Francisco, bandang 1:00 ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang dalawang warrant ay ipinalabas ni Judge Cynthia Mariño Ricablanca ng Regional Trial Court sa Tanauan City, na may petsang Hunyo 20, 2019.

Nakumpiska rin ng pulisya mula sa nasabing operasyon ang isang .45 caliber pistol na may ilang bala, at isang timbangan.

Nakasamsam rin umano ang mga awtoridad ng isang pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana, at dalawang fully grown marijuana plants na nasa paso.

-Lyka Manalo