Patay ang babaeng estudyante makaraang pagsasaksakin ng kanyang nobyo sa Muntinlupa City, nitong Sabado.
Dead on the spot si Grace Ruth Seguerra y Surigao, 18, ng sa No. 214 Purok 2, Barangay Cupang, Muntinlupa City.
Arestado naman ang suspek na si Ashlanie Birol, 18, ng Purok 1, Bgy. Alabang sa nasabing lungsod.
Sa pagsisiyasat nina C/M/S Manuel M. Amodia, Jr. at S/Sg Trefilo A. Tingal, ng Criminal Investigation ng Muntinlupa City Police, natagpuan ng tinderang si Mary Grace Belediano, 42, ang duguang bangkay ng dalaga sa madamong lugar sa Purok 6, Baywalk, Bgy. Bayanan sa nasabing lungsod, dakong 8:3 ng gabi.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagtitinda ng softdrinks at biskuwit si Belediano sa lugar nang makarinig ng sigawan mula sa hagdan ng Baywalk.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ni Belediano ang suspek na nagmamadaling umalis sa lugar, na may sugat sa mukha at maraming dugo sa katawan.
Dahil dito, tiningnan ni Belediano ang lugar hanggang sa nakita ang bangkay ng dalaga na naliligo sa sariling dugo.
Humingi ng tulong ang tindera sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2, na sanhi ng pagkakaaresto ng suspek.
-Bella Gamotea