Pinanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pambabastos sa soberanya ng Pilipinas ang insidente sa Recto Bank, kahit nangyari ito sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte

Ito ang reaksyon ng Pangulo sa gitna ng hakbangin ng pamahalaan upang maresolba ang usapin ng pagkakaabandona sa 22 mangingisdang Pinoy matapos banggain ng isang Chinese vessel ang bangkang pangisdang sinasakyan ng mga ito.

Inilabas ni Duterte ang pahayag nang magtalumpati siya sa Davao City, nitong Biyernes ng gabi.

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

"Remember, na ‘yung sa Recto Bank, it was not a matter of sovereignty. Twelve miles lang tayo, that is part of our territory as a republic. Beyond that ang binigay sa atin is the exclusive economic zone," aniya.

"It is not an attack on our sovereignty. Malayo 'yan. Sovereignty is the republic," dagdag ng pangulo.

Hindi rin sinuportahan ng pangulo ang mga mungkahing magpadala na lamang ito ng Navy sa Recto Bank dahil hindi lulkusubin ng Pilipinas ang China dahil hahantong lamang ito sa digmaan.

"'Pag inatake mo 'yan, that’s going to be a war. Pero ‘yung sabihin mo na, dito and they keep on insisting, kagaya ng walang alam, sabi na we will go to ganun, ganun, ganun, puntahan natin ng warships… Kaya mo kaya? pagdidiin ni Duterte.

“Kaya mo ang missile ng China? Pag alis pa lang ng Marines ko diyan sa Palawan ubos na ‘yan. Bakit?… I will not do that. Ngayon ilagay mo ako, you will have to place me in a very advantageous position to…" paliwanag pa nito.

Matatandaang umabot pa ng walong araw bago nagpalabas ng pahayag ang pangulo kaugnay ng insidente at sinabi nito sa publiko na posibleng magkaroon ng digmaan laban sa China.

Sa kanyang talumpati, ipinaliwanag nito na hindi tayo natatakot sa China ngunit nangangamba ito dahil hindi makakayanan ng bansa ang pakikidigma sa China.

Hindin rin aniya maaaring magamit ng Pilipinas ang Military Defense Treaty (MDT) nito sa Estados Unidos dahil “wala aniyang nais magbuwis ng buhay” sa simpleng “maritime incident."

Kaugnay nito, muling tiniyak ng Department of National Defense (DND) na tuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa karagatang ng bansa sa gitna ng mga dumarating na pagsubok.

Sa kanyang pagdalo sa idinaos na 146th Maritime Forum sa SMX Convention Center sa Pasay City, kamakailan, inihayag ni DND Underesecretary Cardozo Luna na kinakailangan pa rin ng bansa ang tulong ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa maayos ang kinakaharap na maritime issues.

Bilang kinatawan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa nasabing pagpupuong, inihayag nito na kinakailangang gamitan ng bansa ng "calibrated, comprehensive at constructive" approach ang pagresolba sa mga sensitibong bagay na may kinalaman sa maritime security ng Pilipinas.

"We need to acknowledge that our country cannot do it alone as maritime security is innately transnational and cross-jurisdictional," paliwanag pa ni Luna

Huwag magpakatuta sa China.

Ito naman ang reaksyon ni Senatro Leila de Lima at sinabing kinakailangang hilingin ng Pilipinas ang tulong ng ibang bansa para pag-usapan ang solusyon sa inaangking teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Pagdidiiin nito, maaari namang humingi ng tulong ang bansa sa Australia, Japan, at United States, at ibang bansa na miyembro ng ASEAN para malutas ang usapin.

“We cannot continue to allow China to violate the arbitration award and the international rules as it bullies countries, like the Philippines. Kailan nga ba maiisip ni Duterte na tindigan ang patuloy na pang-aapi sa atin ng Tsina? Sobra na!” pahayag pa ng senador.

Argyll Cyrus B. Geducos, Martin A. Sadongdong, at Leonel M. Abasola