KINAPOS ng hangin si Aston Palicte ng Pilipinas kaya napatigil siya ni Kazuto Ioka sa 10th round ng kanilang sagupaan upang lumikha ng kasaysayan nang maging kauna-unahang Hapones na four-division world champion kamakalawa ng gabi sa Makuhari Messe sa Chiba City, malapit sa Tokyo, Japan.
Natamo ni Ioka ang WBO super flyweight title upang idagdag sa mga una niyang hinawakan na WBC at WBA minimumweight titles, WBA light flyweight belt at WBA flyweight crown.
Malakas sa mga unang rounds si Palicte na pinupog ng mga suntok si Ioka na napilitan lamang mag-counter punching. Pagsapit ng 7th round, halos napabagsak ni Palicte si Ioka na patuloy sa kanyang mga counter kahit napagtatamaan ng Pilipino.
“Sensing his chance to end the fight, Palicte gave his all but somehow Ioka weathered Palicte’s attack and connected with his own counters as Palicte appeared to gas out,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “In the 10th Ioka caught Palicte with a combination that staggered the Filipino and followed it up with a flurry of punches that almost sent Palicte down before veteran Referee Kenny Chevalier saved Palicte from further damage.”
Napaganda ni Ioka ang kanyang rekord sa 24 panalo, 2 talo na may 14 pagwaagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Palicte sa 25-3-1, na may 21 pagwawagi sa knockouts.
-Gilbert Espeña