Patay ang 32-anyos na obrero nang aksidenteng mahulog mula sa isang bahagi ng Skyway sa kahabaan ng Araneta Avenue sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ng mga imbestigador mula sa Quezon City Police Station 1 ang biktima na si Carlito Corpuz, 32, na nagtatrabaho bilang steel man sa Skyway Stage 3.
Sinasabing ang biktima ay huling nakitang buhay ng kanyang katrabaho, si Char Noveno, dakong 12:00 ng madaling araw, nang pumunta ang huli sa kanilang barracks.
Samantala, sa ganap na 5:10 ng madaling araw, isa pang katrabaho ng biktima, ang nagsabing naghahanda siya para pumasok sa trabaho at nagpunta sa tindahan upang bumili ng kape nang makita niya ang bangkay ni Corpuz sa semento.
Agad na ini-report ng saksi ang insidente sa pulis, na nagsasagawa na ng follow-up investigation
-Alexandria San Juan