KUMPIRMADO na ang pagpunta ng Korean superstar na si Park Bo Gum sa Pilipinas para makasalamuha ang Filipino fans niya ngayong Sabado, June 22 sa Mall of Asia Arena na tinawag na Park Bo Gum’s 2019 Asia Tour: May Your Every Day Be A Good Day.

Matatandaang nakansela ang pagbisita ni Park Bo Gum sa Pilipinas noong Abril 22 - 23 dahil sa nangyaring lindol sa Luzon at Visayas.

Kaya sa Pinoy fans ng bida ng The Love In The Moonlight, maaari nang masilayan ang aktor sa Sabado at may exclusive media conference muna siya sa Biyernes, Hunyo 21.

Naunang binisita ni Park Bo Gum ang Seoul, Korea, Japan, Thailand, Singapore, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, at Taiwan. Ang Pilipinas ang final stop ng tour niya handog ng ABS-CBN Events and Ovation Productions, in partnership with Blossom Entertainment.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Park Bo Gum ay hinangaan sa karakter nitong Joseon crown prince sa Koreanovelang Love In The Moonlight na umere sa ABS-CBN noong 2017 at dahil pumatok ito sa ‘Pinas, nag-trend ang mga tinatawag na ‘moonlight syndrome’ at ‘Bo-gum magic’ sa bansa.

Ang Korean heartthrob ay nanalong Actor of the Year sa Gallup Korea in 2016 at noong 2017 ay naging number one naman siya bilang Korea Power Celebrity sa Forbes Magazine ng Korea.

Ang bagong koreanovelang Encounter ni Park Bo Gum kasama si Song Hye Kyo ay mapapanood sa ABS-CBN soon.

Anyway, ang tickets para sa Park Bo Gum at his 2019 Asia Tour: May Your Every Day Be A Good Day live in Manila ay nagkakahalaga ng P9,050 (patron), P7,980 (lower box A), at P5,860 (lower box B) at mabibili ito sa www.smtickets.com at sa lahat ng SM Tickets outlets. Para sa karagdagang impormasyon, maaring i-follow ang @abscbnpr on Facebook, Twitter, Instagram or visitwww.abs-cbn/newsroom.

-REGGEE BONOAN