Tinalakay ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC), mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, at mga water concessionaire ang mahahalagang hakbangin kaugnay ng nakaambang malawakang krisis sa tubig dahil sa patuloy na nababawasang tubig sa Angat Dam.

(photo by Jansen Romero)

(photo by Jansen Romero)

Upang matiyak ang delivery ng supply ng tubig na maaaring maapektuhan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at concurrent MMDRRMC Chairman Danilo Lim  na exempted sa number coding scheme ang mga trucks ng Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc.

Binigyang-diin din ni Lim ang kahalagahan na mapaghandaan ang krisis, lalo na ngayong nagpapatupad na ng water interruptions sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dumalo sa meeting kahapon mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Maynilad, Manila Water, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

ULAN, HINDI SAPAT

Sa nasabing meeting, nilinaw ng PAGASA na bagamat tag-ulan na, hindi sapat ang naibubuhos para madagdagan ang tubig sa Angat Dam, na nasa Hagonoy sa Bulacan.

Bumaba na sa critical low level na 160 metro ang tubig sa Angat Dam.

Kaugnay nito, nanawagan sa publiko si MMDA General Manager Jojo Garcia na ugaliin ang responsableng paggamit ng tubig, sa halip na ang matipid na paggamit dito.

ULAN, IPUNIN

Hinikayat din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga taga-Metro Manila na samantalahin at ipunin ang ulan na nararanasan tuwing hapon o gabi, para makolekta at ma-recycle ito sa paglilinis ng sasakyan, pagdidilig ng halaman, at pambuhos sa inidoro.

RED CROSS, SASAKLOLO

Tiniyak din kahapon ng Philippine Red Cross (PRC) na handa itong mag-supply ng tubig sa mga establisimyento, partikular na ang mga ospital.

Matatandaang noong Marso, sa kasagsagan ng krisis sa tubig sa east zone ng Metro Manila at Rizal, at kaagad na nakapag-supply ng tubig ang PRC sa mga ospital at iba pang komunidad.

Kaugnay ng nasabing water shortage noong Marso, sinabi kahapon ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate na magsasampa sila ng karagdagang kaso laban sa Manila Water.

DAGDAG KASO SA MANILA WATER

“We will definitely file another complaint against Manila Water for more rebates for their costumers,” sinabi ng lawyer-solon, na kabilang sa Makabayan Bloc.

Ito ay matapos na makarating sa Bayan Muna na ilang barangay sa Mandaluyong City ang walang supply ng tubig sa loob ng anim na araw.

Sinabi ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na base sa Manila Water advisory na inisyu nitong Miyerkules ng gabi, dapat ay may tubig na ang Barangka Drive at Barangka Ibaba pagsapit ng 5:00 ng madaling araw at 2:00 ng hapon.

"But residents say that their water has not returned since it was cut at 3:00 p.m. last Thursday," diin ni Colmenares.

May ulat nina Ellalyn De Vera-Ruiz, Mary Ann Santiago, at Ellson A. Quismorio

-DHEL NAZARIO