MATAPOS ang matagumpay na ratsada nitong Marso, magbabalik ang aksiyon sa OMNI football Cup sa ilalargang second edition na OMNI Cup: Fight to the Finish sa Hulyo 13 sa McKinley Hill Stadium.
Kabuuang 24 koponan na hinati sa dalawang division ang magtatagisan ng husay at galing sa isang araw na seven-a-side football tournament na naglalayong palakasin ang programa sa sports at kalusugan sa pagtataguyod ng OMNI Electrical and Lighting.
Bukas sa lahat ng sports aficionado ang Division 1, habang ang Division 2 ay para sa beginner-intermediate.
Pinapayagan ang isang babae player sa bawat koponan sa Division 1, habang tatlong babaeng footballers ang puwede sa Division 2 teams.
T i n a n g h a l n a k amp e o n angSuicide Squad Goons sa Division 1, habang nagwagi ang Kickstart F.C. sa Division 2 sa ginanap na first OMNI Cup.
Tampok din sa second edition ang all-star 11-a-side exhibition ma t ch na binubuo ng mga kinatawan ng kani-kanilang squad sa torneo na suportado rin ng Head and Shoulders Philippines, MADs Essentials: Food for the Skin, Underground Football, at Suicide Squad F.C. kasama rin ang media partners Manila Bulletin, Fox Sports Philippines, at Balita Sports.
P a r a s a k a r a g d a g a n g impormasyon, bisitahin ang OMNI Cup Facebook page www.facebook. com/OmniCupPH