Patay ang dalawang Pinoy habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan nang salpukin ng tren ang sinasakyan nilang kotse sa Pongakawa, New Zealand, kaninang umaga, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

AKSIDENTE

Dead on the spot ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na hindi muna pinapangalanan hangga’t hindi pa naipapaalam sa kani-kanilang pamilya ang insidente.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang tatlong iba pa  sanhi ng grabeng pinasala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa ulat ni Philippine Ambassador to New Zealand Jesus Domingo, naganap ang insidente sa Pongakawa, North Island, dakong 8:15 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Fire and Emergency New Zealand, lulan ng isang kotse ang mga PinoEy nang tumawid ang mga ito sa riles at hindi umano namalayan ang parating na tren.

Ayon kay Ambassador Domingo,na papasok umano sa trabaho ang mga biktima bilang taga-pitas ng prutas, nang mangyari ang aksidente.

-Bella Gamotea