Mahigit 70% ng mga pasahero ng transport network vehicle service o TNVS ang nagsabing bukod sa pahirapan na ngang mag-book ng biyahe ngayon, mas mataas na rin ang singil ng Grab, kasunod ng pag-deactivate nito sa nasa 5,000 driver-partner.

BOOKING

Ito ay ayon sa survey ng commuter network na The Passenger Forum (TPF).

“After the deactivation of thousands of TNVS units of market leader Grab Philippines, a survey of The Passenger Forum found out that 78 percent of TNVS passengers suffered more frequent and expensive fares due to surge pricing,” saad sa pahayag ng grupo.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Bukod sa mahal ang singil, sinabi ni Primo Morillo, TPF convenor, na natukoy din sa survey na 72% ng mga TNVS riders ang dumanas ng pahirapang booking kasunod ng deactivation ng Grab Philippines sa libu-libong drivers nito.

Ang online survey ng TPF ay isinagawa nitong Hunyo 14-15, o apat na araw makaraang alisin ng ride-hailing giant ang 5,000 unaccredited TNVS partners nito na bigong makakumpleto ng mga application requirements sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

-Alexandria Dennise San Juan