Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

4:00 n.h. -- CEU vs Cignal-Ateneo

MAKALAPIT sa inaasam nilang titulo ang tatangkain ng Cignal-Ateneo sa muli nilang pagsagupa sa Centro Escolar University Game 2 ng kanilang 2019 PBA D-League best-of-five Finals series ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dinurog ng Blue Eagles ang Scorpions, 101-66, sa naitalang most lopsided Finals game sa kasaysayan ng developmental league nitong Huwebes.

Sa kabila ng dominanteng panalo sa series opener, naniniwala ang Blue Eagles na hindi sila puwedeng maging kampante laban saw along players ng Scorpions. Nalagas ang halos kalahti ng line-up ng CEU matapos masuspinde dulot nang pagkakasangkot sa ‘game fixing’.

“We could not take them for granted because they’re in the Finals for a reason. We just wanted to make sure that we don’t get complacent,” ani Ateneo deputy coach Sandy Arespacochaga.

Inaasahang muling pamumunuan nina Isaac Go, Thirdy Ravena, at Angelo Kouame ang Blue Eagles sa muli nilang pagtatapat ng Scorpions ngayong 4:00 ng hapon.

Inamin ni coach Derrick Pumaren na dehado ang kanyang koponan laba sa UAAP champion squad, ngunit kumpiyansa siyang makakaahon ang Scorpions sa bangin ng kabiguan.

“We just have to believe that we can compete with them. We have to show that heart and fight on Game 2,” pahayag ni Pumaren.

Sasandigan muli ng CEU sina Maodo Malick Diouf, Rich Guinitaran at Dave Bernabe sa hasngad nilang upset sa hapong ito.

-Marivic Awitan