Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang haciendero sa Luzon at Visayas ang sangkot sa illegal drug trade.

HACIENDERO

Ayon sa Pangulo, nakikitaan nito ang ilang haciendero na hindi kuntento sa yaman na kanilang tinatamasa dahil kahit naisailalim na sa land reform ang kanilang malawak na lupain ay nananatiling bilyonaryo pa rin ang mga ito.

Katunayan aniya ay nagmamay-ari pa ang mga ito ng maraming mamahaling sasakyan.

National

Pasasalamat ni PBBM kay FPRRD noon sa pagpapalibing sa amang si Marcos Sr., naungkat ulit!

Nadiskubre aniya na pumasok ang mga ito sa illegal drug trade.

“They cannot find their satisfaction. They have vast lands. After the land reform, they were still billionaires. They have two Lamborghinis, four Mercedez and 30 other automobiles. What business did they enter? Eh di drugs,” bunyag ng Pangulo.

Tumanggi ang pangulo na ibunyag ang pagkakakilanlan ng mga ito ngunit sinabi nito na ang mga ito ay mula sa kilalang angkan sa Bacolod, Central Luzon at sa Visayas area.

-Beth Camia