PATULOY na hinahasa ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang national government agencies at ang extension directorate ng state-run Mariano Marcos State University, ang mga magsasaka at tinuturuan sila ng mga praktikal na paraan upang mapanatili ang magandang ani sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna.

Kasunod ng pagsasanay sa Batac City kamakailan, na dinaluhan ng 40 magsasaka na nagrepresenta sa apat na samahan sa bayan ng Solsona, Marcos, Vintar, at Piddig, hinikayat ni MMSU president Dr. Shirley Agrupis ang mga magsasaka na i-adapt ang kasalukuyang mga hamon dulot ng climate change.

“You are the backbone of the economy. Without you, no one will feed the nation. I hope that you are ready to prevent if not mitigate the impact of climate change,” sinabi ni Agrupis sa isang panayam nitong Miyerkules.

Sa pagtatayo ng Science and Technology Community-Based Farm (STCBF) on Climate Resilient Technologies, sinasanay ang mga magsasaka sa MMSU-University Training Center upang mapaunlad ang kanilang mga paraan sa pagtatanim sa buong probinsiya.

Pinagagamit ng mga tauhan ng MMSU extension directorate ang mga magsasaka ng carrageenan plant growth regulator at seed inoculants.

Napag-alaman na ang carrageenan plant growth regulator (CPGR) ay nakatutulong sa pagpapalago ng palay ng 25 porsiyento hanggang 30%.

Ang Carrageenan ay isang indigestible polysaccharide (carbohydrate) mula sa red seaweeds.

“My harvest increased when I applied organic fertilizer on my crops and the things I learned from the training. We hope that the government will not get tired of helping us,” ayon sa cooperator mula sa Nueva Era.

PNA