Kinasuhan ang aktor na si Cuba Gooding Jr. kaugnay ng umano’y pangmomolestiya sa isang babae sa isang bar sa Manhattan nitong weekend.

Nahaharap ang aktor ng Jerry Maguire sa isang misdemeanor charge kaugnay ng insidente nitong Linggo, nang isang hindi pinangalanang babae ang nagsabing hinawakan umano ni Cuba ang kanyang magkabilang dibdib.

Mariing itinanggi ang akusasyon, nakaposas si Cuba nang lumabas makaraang sampahan ng kaso sa isang presinto sa New York. Tumanggi siyang makipag-usap sa mga reporters.

Si Cuba ang huling Hollywood figure na nasangkot sa sexual misconduct scandal, na naging prominente sa entertainment industry sa nakalipas na dalawang taon.

Probinsya

4 na mangingisda, natagpuan matapos ilang araw mawala sa katubigan ng Occidental Mindoro

Sinabi ng abogado ni Cuba, si Mark J. Heller, na ang aktor ay “completely confident that (Gooding) will be totally exonerated.” Sinabi ng abogado sa mga mamamahayag na magpapasok ng not guilty plea si Cuba sa unang pagharap nito sa korte.

“There is not a scintilla of criminal culpability that can be attributed to Cuba Gooding Jr.,” sinabi ni Heller sa mga mamamahayag.

Aniya, si Cuba ay “shocked and horrified” na lilitisin ang kaso, makaraang magprisinta sa pulisya ang kanilang kampo ng security video mula sa bar na ayon sa abogado ay magpapatunay na walang ginawang masama ang aktor.

Nanalo si Cuba, 51, ng Oscar Best Supporting Actor noong 1997 para sa Jerry Maguire, at napanood din sa A Few Good Men, The Butler, at sa television miniseries na The People v. O.J. Simpson.

Kabilang na ngayon ang diborsiyadong aktor sa kalalakihan sa larangan ng pulitika, negosyo, entertainment, at sports na inakusahan ng sexual misconduct simula nang magsulputan ang mga kaparehong alegasyon laban sa movie producer na si Harvey Weinstein, na nagbunsod ng #MeToo movement.

Lilitisin si Harvey sa New York sa huling bahagi ng taong ito sa mga kasong rape at forced oral sex na kinasasangkutan ng dalawang babae. Itinanggi niya na nagkaroon siya ng non-consensual sex sa sinumang babae.

Enero ngayong taon nang mag-plead ng not guilty ang dating bida ng House of Cards na si Kevin Spacey sa sexually assault sa isang 18-anyos na lalaki sa isang bar sa Massachusetts dalawang taon na ang nakalipas, habang kinasuhan naman sa Chicago ang singer na si R. Kelly dahil din sa seksuwal na pananamantala sa tatlong dalagita at isa pang babae.

Kaugnay nito, inakusahan ng abogado ni Cuba ang babaeng nagreklamo laban sa aktor ng “simply to get their 15 minutes of fame”, at sinabing siya mismo ay umaasang malilitis din ang babae kapag naresolba na ang kaso ni Cuba.

Iniulat ng New York media nitong Huwebes na isa pang babae ang lumantad ngayong linggo at nagsabing hinipuan din umano siya ni Cuba noong 2008.

Sinabi ni Heller na si Cuba “[had] no knowledge” sa sinasabing insidente noong 2008 incident, na hindi saklaw ng statute of limitations para sa pagsasampa ng kaso.

-Reuters