GINAWARAN kamakailan ang Manila Bulletin columnist na si Fred M. Lobo ng Opinion Writer of the Year award ng Rotary Club of Manila (RCM).

Si Fred ay nagsusulat ng “PUNCHLINE” column sa Manila Bulletin, kung saan tinatalakay niya ang mahahalagang isyung pambansa, na kadalasan ay may nakakatuwang buod o hagod.

Bukod sa pagiging dating Malacañang reporter ng nabanggit na pahayagan, si Fred ay nagsilbi ring pangulo ng National Press Club of the Philippinews (NPC) at Confederation of Asean Journalists (CAJ).

Ang MB c o l u m n i s t a t UE professor ay nanalo rin ng pangalawang gantimpala sa World Nation Writers Union (WNWU) sa Best Poet-Writer of the World 2018 contest. Siya ay hinirang din bilang Platinum Poet ng Blossom/Splendour Poet (India) at World Featured Poet noong 2017 ng PENTASI B World Poestry Fellowship, sa kanyang mga tulang hinggil sa pandaigdigang kapayapaan, hustisya at kalikasan.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Si Fred ay kasalukuyang naglilingkod bilang Peace Ambassador ng World Institute for Peace (WIP), Ambassador of Humanity ng Hafrikan Prince Art World (HPAW), at member/ administrator ng iba’t ibang pandaigdigang samahan sa pagtula at pagsulat.