NAG-VIRAL ang sinasabi ni Primera Contravida Ms. Cherie Gil sa teaser ng original reality-based artista search na StarStruck 7 na “don’t call me Tita.”

Cherie

Kuwento ni Cherie sa interview sa kanya after ng #StarStruckMediacon, wala raw iyon sa script nang mag-tape sila, naisip lamang niyang idagdag.

“Minsan kasi, nagugulat ako na laging may tumatawag sa akin ng ‘Tita’, ‘yung mga young stars, kahit ‘yung mga staff, even the assistant directors, kaya tanong ko sa kanila, ‘bakit pamangkin ba kita?,” natatawang kuwento ni Cherie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“ P e r o h indi ko naman sila pinagagalitan, ginagawa kong parang biro, p e r o t o t o o iyon. Minsan kasi, hindi mo naman kilala basta tatawagin ka na lamang Tita. Dapat kasi a n g t a t a w a g lamang sa akin ng ‘Tita’ mga nephews and nieces ko, family friends at ‘yung talagang nakakakilala sa akin.”

Ano ang tawag sa kanya nina Mikee Quintos at Kate Valdez noong ginagawa nila ang Onanay?

“Ms. Cherie” raw ang tawag sa kanya.

Kahit iyong pag-kiss, ayaw daw niya dahil kung minsan, kung saan-saan sila humahalik.

“Sayang nawala iyong pagmamano. Mas maganda iyon. Natutuwa ako kapag nasa set kami, dumarating iyong mga anak ng kasama namin sa production, diretso silang lumalapit sa mga nakatatanda sa kanila, at nagmamano. Ako, I don’t mind kung magmano sa akin iyong mga nakababatang artista,” sabi pa ng beteranang aktres.

F i r s t t i m e n i Cherie na maging judge ng StarStruck. “ I w a s a j u d g e before sa ‘Protégé’ pero sa ‘StarStruck’ ngayon lang,” sabi ni Cherie. “I wasn’t familiar with it at now ko lang nalaman na si Jennylyn (Mercado) pala came from ‘StarStruck’. I already met the contestants for me, two boys and two girls. Pero siempre, I can’t reveal yet who they are.”

Kilalang mataray si Cherie, iyon ba ipu-project niya as a judge?

“Actually mahirap ang work namin as judge kasi as much as possible, you want to encourage these hopefuls. But then, it’s a contest at matira ang matibay, so we can’t help but make a choice. I guess we’ll just have to be very very careful and kind in telling them how we feel, so we won’t sound very discouraging to those who will be eliminated.”

Ang dalawa pang council of judges ay sina Heart Evangelista at Jose Manalo.

Sa Sabado, June 15, na ang pilot telecast ng StarStruck 7, after ng Daddy’s Gurl at sa Linggo, June 16, after ng Daig Kayo ng Lola Ko. Kung may naiiba sa mga naunang six StarStruck batches, magkakaroon na agad ng elimination mula sa 22 hopefuls na napili na nila. Walo agad ang matatanggal kaya 14 hopefuls lang ang matitira at daraanan sa mga test na ibibigay sa kanila ng artista search.

-NORA V. CALDERON