NAKAMIT ni Jeremy Marticio, Grade 8 pupil ng Pulo National High School sa Cabuyao City, Laguna, ang kampeonato sa Fide-Rated 2nd Meralco Youth Rapid Chess tourney nitong Linggo sa Multi-Purpose hall, Meralco compound, Ortigas Avenue sa Pasig City.

Ang 13-anyos na si Jeremy, suportado sa kanyang kampanya nina Mayor Mel Gecolea, Dr. Fred Paez, Jolly Smile Dental Clinic at ng Cabuyao City Chess Club, ayu nakapagsubi ng 7.5 puntos mula sa pitong panalo at isang draw para makopo ang Under 14 kiddies crown.

Ang nakatatandang Jeremy ay kapatid ng 11-anyos na si Marticio, isa sa miyembro ng Philippine Team na sasabak sa 20th Asean Age Group Chess Championships 2019 sa Golden Mandalay Hotel at Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar.

Bumida rin si Angele Tenshi Biete, incoming Grade 8 pupil ng De La Salle Santiago Zobel School, na may 7.0 puntos para tangapin ang runner-up trophy habang si John Roccel Simon ang kumuha ng ikatlong puwesto (6.5 pts) sa torneo na inorganisa ng Meralco Chess Club sa gabay ni Fide Master Leonardo Carlos at suportado ng Meralco Sports and Youth Advocacy office na nirendahan ni Paul Ryan C. Gregorio.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!