Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
4:00 n.h. -- CEU vs St. Clare College-Virtual Reality
MALALAMAN sa pagitan ng Centro Escolar University at St.Clare College-Virtual Reality ang tunay na may kaparatan sa championship sa kanilang pagtututos sa winner-take-all Game 3 2019 PBA D League semifinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.
Naipuwersa ng Saints ang do or die game nang magwagi sa Scorpions sa Game 2 nitong Huwebes, 84-50.
Sa pamumuno ng kanilang Malian center na si Mohammed Pare, nadomina ng Saints ang tinaguriang ‘Cinderella squad’ na Scorpions na may walong aktibong players matapos masuspinde ang walong iba pa bunsod ng game-fixing.
Dahil sa naging panalo, kumpiyansa si St.Clare coach Jinnino Manansala na masusungkit nila ang final slots.
“Alam ko na amin na eh! kaya maga-adjust kami sa kung anong pwede pa ma-adjust at paghahandaan namin sila,” aniya.
Bukod kay Pare na umiskor ng 17 puntos, 15 rebounds at 4 na blocks noong Game 2, inaasahang mamumuno sa Saints sa hangad nilang psgpasok sa kampeonato sina Junjie Hallare, Joshua Fontanilla at Joseph Peñaredondo.
-Marivic Awitan