WALONG tropeo ang naiuwi ng Hadestown, ang musical tungkol sa underworld, sa 73rd Tony Awards kabilang ang best new musical at rare win para sa female director of a musical.

(Photo by Charles Sykes/Invision/AP)

(Photo by Charles Sykes/Invision/AP)

Nasungkit naman ng The Ferryman, isang thriller tungkol sa pamilya ng isang lalaking sinusubukang makawala sa kanyang bayolenteng nakaraan sa IRA, ng tatlong award, kabilang ang best play.

Tinanggap naman ng direktor na si Sam Mendes ng The Ferryman ang kanyang unang best direction of a play statue sa awarding rites.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Patuloy naman ang pagbasag ng Broadway box office ng records. Umabot ang ticket sales sa $1.8 billion ngayong taon dahil sa rami ng mga dumalo at nanood ng mga pagtatanghal, ulat ng Entertainment Tonight.

-Agence France-Presse