ANG taunang selebrasyon ng Independence Day sa Pilipinas ay ilang araw na lang, ngunit tatlong celebrity couples ang nababanggit na ‘tila nakatagpo na ng “freedom” – iyon ay kung totoo ang mga balitang hiwalay na sila.Kumalat ang mga espekulasyon na hiwalay na si Liza Soberano at ang boyfriend at love team partner niyang si Enrique Gil. Namamahinga mula sa showbiz ang aktres matapos sumailalim kamakailan sa surgery para sa kanyang injured finger.

Enrique at Liza

Tinanong naman ng manager niyang si Ogie Diaz si Liza kung tunay ang balitang break na nga sila ni Enrique. Sa isang video na naka-upload sa Facebook account ni Ogie, itinanggi ng aktres ang espekulasyon.“Oo naman,” sagot niya nang tanungin kung magkarelasyon pa sila ni Enrique. Sabi pa niya, nag-uusap sila sa video chat.

Nakatakdang gumawa sina Liza at Enrique ng pelikula at teleserye ngayong taon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

oOo

May gusot bang namamagitan kina Joshua Garcia at Julia Barretto?

Nagsimulang mag-isip ang fans ng dalawa na may mali sa relasyon ng reel and real couple nitong buwan nang magsalita si Julia tungkol sa heartbreak at “peace” nang hindi binabanggit si Joshua.

Lumabas ang aktres sa latest vlog ng kaibigan at kapwa niya aktres na si Erich Gonzales, kung saan sumagot siya sa mga pahayag ng true or false, at nang may paliwanag.

Tinanong siya ni Erich kung siya ba ay “in love right now,” at mukhang nabigla si Julia.

Gayunman, sumagot siya ng “True.”

“I am very much in love with the peace I have gained just recently. It’s not with anybody… Sorry, I’m not trying to say I’m not in love with anybody. I’m just in love with the peace that I gained,” sabi niya.

Kalaunan ay tinalakay ni Julia ang tungkol sa process letting go ng mga tao para unahin ang sarili niyang well-being.

“Minsan may mga nakakasama ka na hindi mo na alam na iyon pala ‘yung nag-di-disturb ng inner peace mo. There are some toxic people na you still entertain in the hopes na, sana hindi siya ‘yung nag-di-disturb ng peace ng peace mo.

“Sometimes you have to come face-to-face with reality and with the fact na there are some people who really disturb that peace. It takes a lot courage and strength to acknowledge that fact. Sometimes you have to choose ‘yung pangmatagalan, your own good, ‘yung nakakabuti sa soul mo,” sabi ng aktres.

Marami naman ang nakapansin na ‘tila sumabay sa naturang isyu ang cryptic words ni Joshua sa Twitter, ilang araw matapos mailaba ang “controversial video” ni Julia.

“I’m a thinker, not a talker,” post ni Joshua.

oOo

Sadly, here’s confirmed breakup.

Matapos ang anim na taong pagiging magkasintahan, naghiwalay na ang aktor na si Derek Ramsay at ang modelong si Joanne Villablanca.

Ibinunyag niya ito sa PEP article ngunit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.

Ang kumpirmasyon ng hiwalayan ay pumutok dalawang buwan matapos na isiwalat ni Derek ang plano niyang pakasalan si Joanne.

-REGINA MAE PARUNGAO