MASAYA ang mediacon ng romantic comedy movie na Feelennial (Feeling Millennial), na pinagtatambalan ni Comedy and Box Office Queen Ai Ai delas Alas at ng versatile comedian and host na si Bayani Agbayani.

Ai Ai at ExB

Sa nasabing mediacon, natanong si Ai Ai tungkol sa reaksiyon niya sa ulat na sa halip na malungkot at manghinayang ay natuwa pa nga raw ang rap group na Ex-Battalion nang bitiwan niya ang mga ito bilang manager nila.

Ito ay sa kabila ng napaulat na binigyan niya ng bahay ang grupo, at isinama rin niya ito sa isang niyang pelikula, na ipinalabas recently, ang Sons Of Nanay Sabel.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Okay lang, kung natuwa sila, mas natuwa ako,” sagot ni Ai Ai.

“Hindi naman ako na-hurt sa ginawa nila. Ipinasa-Diyos ko na lang sila. Ano ba mae-expect mo sa kanila? Kung ano iyong ugali nila, hindi mo iyon mababago overnight,” sabi pa ni Ai Ai.

Back to Feelenial, sinabi ni Ai Ai na natutuwa siyang magbalik-comedy dahil nagkasunud-sunod ang drama movies na ginawa niya.

“Na-miss ko rin kasi ang paggawa ko ng mga light romantic-comedy movie,” sabi ni Ai Ai. “Nagkasunud-sunod kasi noon ang paggawa ko ng mga seryosong tema ng movies, na nagbigay naman sa akin ng mga acting awards. Kaya natuwa ako nang i-offer sa akin ni Concert Queen Pops Fernandez ang pelikulang ito.

“Then may ka-love team ako, ang best friend ko namang si Bayani Agbayani, kaya alam na ninyo kung gaano kami kasaya sa set, kasama ng mga millennial cast.”

Sa movie, Ai Ai plays the role of Madame Bato-bato, a rich single mom na nasa kanya na ang lahat maliban sa attention ng only son niyang si Nico (Arvic Tan). Para ma-accept ng anak, sinabayan ni Madame ang feelennial activities ng anak, tulad ng online dating, at doon niya na-meet si Chito (Bayani), a rich bachelor na nanalo ng malaking lotto jackpot. Doon na magsisimula ang mga nakatutuwang feelennial activities nilang dalawa.

“Sa movie ko natutunan na dapat talagang matutunan natin ang mga millennial children natin para maka-adopt tayo sa kanila,” dagdag pa ni Ai Ai.

“Kaya recommended ko ito sa mga tulad naming feelennial ni Bayani.”

Ang Feelennial (Feeling Millennial) ay produced ng Cignal Entertainment, Cignal TV at ng DSL Productions ni Pops, na movie directorial debut naman ni Rechie del Carmen. Mapapanood na ito in cinemas nationwide simula sa June 19.

-NORA V. CALDERON