Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad siya ng balasahan sa mga opisyal ng PhilHealth, kasunod ng malaking nawala sa pondo nito dahil sa kontrobersiya sa “ghost dialysis”, at ipinag-utos din ang agarang pag-aresto sa may-ari ng WellMed clinic na sangkot sa insidente.

PAG-USAPAN ‘YAN Tinatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang isyu sa kanyang guesting sa “Give Us This Day” show ni Kingdom of Jesus Christ founder-lead pastor Apollo C. Quiboloy, sa Sonshine Media Network International studio sa Davao City, nitong Biyernes.

PAG-USAPAN ‘YAN Tinatalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang isyu sa kanyang guesting sa “Give Us This Day” show ni Kingdom of Jesus Christ founder-lead pastor Apollo C. Quiboloy, sa Sonshine Media Network International studio sa Davao City, nitong Biyernes.

Ito ang inihayag ng Pangulo isang araw makaraang utusan niya ang PhilHealth na maghain ng mga kasong kriminal laban sa mga opisyal at empleyado nitong sangkot sa ghost dialysis treatment scheme.

Ibinunyag ng dalawang dating empleyado ng WellMed Dialysis and Laboratory Center sa Novaliches, Quezon City, na nagpa-file ang klinika ng claims sa PhilHealth para sa mga dialysis sessions para sa mga pasyenteng namatay na.

First Family, may maagang pamasko sa higit 30,000 mga bata

Sa panayam sa kanya ng kaibigang si Pastor Apollo Quiboloy nitong Biyernes, sinabi ni Duterte na dahil napakalaki ng nalugi sa PhilHealth, mapipilitan siyang balasahin ang mga opisyal nito pagbalik niya sa Malacañang.

“For the sheer amount that was lost, I have to reorganize your entity, change maybe all of you, install a more... systems of accounting and accountability,” ani Duterte.

“Bakit umabot nang ganoon kalaki without the necessary checks along the way? When it becomes clear that the amount is getting big, somebody should look somewhere. I really do not know how to do it, I am not a systems analyst.

“Was there a kind of checks that you installed because if none, then we have fallen short of our duty to really protect the money,” dagdag pa niya.

‘ARREST THE IDIOT’

Kasabay nito, sinabi ng Presidente na hindi na niya mahihintay ang 20 araw na palugit ng PhilHealth sa imbestigasyon nito, at inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin na ang may-ari ng WellMed Dialysis and Laboratory Center, at iharap ito sa kanya sa Malacañang.

“’Yung administrative na sinasabi ni (PhilHealth President) Roy (Ferrer) kanina that they are initiating an investigation and they have 20 days to... That's shit to me. I'll tell them, 'Arrest the idiot and bring him to Malacañang.' I'll ask him, 'Tell me the truth or I'll throw you off the river’,” ani Duterte.

“The NBI should take over by tomorrow and start to summon everybody and if the owner of that Wellness thing there, where these fraudulent claims were discovered, arrest them,” sabi pa ng Pangulo.

“That is my order: Arrest them. Place there in the blotter ninyo. Arrest them and investigate them right away. No ifs, no buts.”

Naniniwala naman si Duterte na walang kinalaman si Ferrer sa kontrobersiya, dahil tiwala siya sa “integrity and honesty” ng acting operations officer ng PhilHealth.

Kinumpirma naman ngayong Sabado ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iimbestigahan ng NBI ang insidente, partikular ang Anti-Fraud Division ng kawanihan.

Nagbabala rin ang Department of Health (DoH) na mawawalan ng akreditasyon sa PhilHealth at sasampahan ng kasong kriminal ang mga healthcare providers na mapatutunayang sangkot sa fraudulent activities.

Argyll Cyrus Geducos, Jeffrey Damicog, at Mary Ann Santiago