Magandang balita para sa mga consumers dahil magpapatupad ang Meralco ng 19 na sentimo kada kilowatt hour (kWh) na bawas-singil sa kuryente ngayong Hunyo.

MAY TAPYAS KA! Nag-aayos ng mga metro ng kuryente ang isang taga-Meralco, sa tuktok ng poste sa Tondo, Maynila ngayong Huwebes. (ALI VICOY)

MAY TAPYAS KA! Nag-aayos ng mga metro ng kuryente ang isang taga-Meralco, sa tuktok ng poste sa Tondo, Maynila ngayong Huwebes. (ALI VICOY)

Batay sa advisory ng Meralco, nabatid na ang naturang P0.19/kWh ay bunsod ng pagbaba ng P0.135/kWh sa generation charge at mas mababang presyuhan sa spot market.

Kung isasama umano ang bawas-singil noong nakaraang buwan ay aabot na sa 50 sentimo kada kWh ang kabuuang bawas-singil ng kuryente sa nakalipas na dalawang buwan.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Ayon sa Meralco, ang naturang bawas-singil sa billing ngayong Hunyo ay katumbas ng P38 matitipid ng mga bahay na nakakakonsumo ng 200 kWh, at P57 na bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh bawat buwan.

Ang mga kumokonsumo naman ng 400 kWh ay makakatipid ng P76 kada buwan, at P95 naman ang mababawas mula sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

-Mary Ann Santiago