Sinampahan kahapon ng pulisya ng kasong rape with homicide ang isang pinaghihinalaang drug addict na umano’y umaming gumahasa at pumatay sa isang 6-anyos sa Victorias City, Negros Occidental, kamakailan.

RAPE-SLAY (21)

Ayon kay Capt. Joy Ellaga, Deputy chief ng Victorias City Police Station (VCPS), nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang suspek na si Mark Besa.

Si Besa ay suspek sa panggagahasa at pamamaslang sa kalugar nitong bata sa Barangay 6A ng nabanggit na lungsod, nitong Linggo ng hapon.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Sinabi ni Ellaga, inamin umano ni Besa na inutusan nito ang biktima na bumili ng sigarilyo bago maganap ang krimen, dakong 1:00 ng hapon.

Nang bumalik sa kanilang bahay, dinala umano ito ng suspek sa banyo kung saan naganap ang insidente.

Sa isinagawang pagsusuri ng pulisya, natuklasang positibong ginahasa ang bata.

Sinabi ng pulisya, lasing sa droga ang suspek nang gahasain nito ang biktima at inuntog pa ito sa pader hanggang sa bawian ng buhay.

Hindi naman nito idinetalye kung paano niya itinago sa basurahan ang bangkay.

-Fer Taboy