Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Magnolia vs Alaska

7:00 n.h. -- San Miguel vs Northport

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

SASALANG sa unang pagkakataon ang nakaraang Philippine Cup finals protagonists Magnolia at ang nagkampeong San Miguel Beer sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Unang sasabak ang Hotshots na haharapin ang Alaska sa pambungad na laro ganap na 4:30 ng hapon at susunod ang Beermen na makakasagupa naman ang Northport sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi.

Kung unang panalo ang target ng Magnolia at SMB, makapagtala ng ‘back-to-back unang back to back wins naman ang target ng Aces habang makabalik ng winning track ang hangad ng Northport.

Ipaparada ng Hotshots ang dating Columbian Dyip at Singapore Slingers import sa ABL na si John Fields habang ibinabalik naman ng Beermen ang beteranong import na si Charles Rhodes.

Sa panig ng kanilang mga katunggali, tatangkain naman ni Chris Daniels na pangunahan muli ang Aces sa isa uling panalo makaraang makabalikwas mula sa dalawang sunod na pagkatalo nang pataubin ang NLEX, 100-87 nitong Miyerkules.

-Marivic Awitan