Patay ang isang 46-anyos na dalaga na dati umanong inmate sa Nueva Ecija Provincial Jail, makaraang pagbabarilin ng riding in-tandem sa Sitio Aplan, Barangay Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

EX-CONVICT (21)

Binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital ang biktimang si Marvien de Guzman, 46, ng nasabing lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pauwi na ang biktimang sakay ng isang tricycle nang buntutan ng isang motorsiklo lulan ng dalawang suspek, dakong 8:45 ng gabi.

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Pagbaba ng biktima, agad siyang nilapitan ng mga suspek at isa sa mga ito ang bumunot ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ito.

Kaagad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang krimen.

Sa rekord ng pulisya, dati nang nakulong ang biktima sa Nueva Ecija Provincial Jal  mula 2014 hanggang 2016 sa kasong krimimal.

-Light A. Nolasco