Nasa alanganing sitwasyon ang nasa 1,129 na opisyal ng barangay, na pinagpapaliwanag sa pagbalewala sa direktiba na makiisa sa Manila Bay clean-up.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na naglabas na ang ahensiya ng show-cause orders para sa mga barangay na hindi sumunod.

Diin ni Diño, kailangang maipaliwanag ng mga opisyal ang kanilang panig kung bakit hindi sila dapat maging liable sa Office of the Ombudsman dahil sa kanilang bigong paglahok sa clean-up drive.

Kung hindi makapagbigay ng katanggap-tanggap na rason ang mga opisyal, iginiit ni Diño na wala nang magagawa ang DILG kundi sampahan ng kaso ang mga non-complying barangay officials.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Ang mga sangkot na barangay ay nasa bahagi, aniya, ng Bulacan, Bataan at Pampanga sa Central Luzon, Rizal, Laguna at Cavite sa Region 4-A at Metro Manila.

-CHITO A. CHAVEZ at JUN FABON