IPAPALABAS na simula bukas ng Filipino-Korean co-production na Sunshine Family. Pinagbibidahan ito nina Sue Ramirez at K-pop star at Blanc 7 member na si Shinwoo kasama ang husband and wife team na sina Nonie at Sharmaine Buencamino, at Marco Masa.

Nonie, Sue, Shamaine at Marco copy

Ang Spring Films na nagdiriwang ng 10th anniversary ngayong taon, ang nasa likod ng Sunshine Family. Produksiyong binuo nina Piolo Pascual , Erickson Raymundo at Joyce Bernal, isa ngayon sa biggest players sa indie circle ang Spring Films. Sila rin ang nasa likod ng blockbusters at trendsetter na Kita Kita, Kimi Dora series, Meet Me in St. Gallen na naging big comeback ni Carlo Aquino, at maraming iba pa.

Sa patuloy na paglago ng kanilang out of the box ventures, ginawan nila ng Pinoy-Korean version ang award-winning comedy-drama 1992 Japanese film na Hit-and-Run Family. Partner ng Spring films sa Sunshine Family ang Film Line ng Korea, sa direksiyon ng award-winning Korean director na si Kim Tai Sik.

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

Si Kim Tai Sik ang direktor ng international film festival-favorite na Driving With My Wife’s Lover (2006) at ng Red Vacance Black Wedding (2011), at Heartbreak Hotel (2015).

Kinunan sa Seoul at Yangpyeong County ang Sunshine Family, na kuwento ng nagiging dysfunctional nang pamilya nina Don at Sonya Mapalad (Nonie at Shamaine), at ng kanilang mga anak na sina Shine (Sue) at Max (Marco).

Limang taon na silang naninirahan sa Korea at nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas pero naantala itong m a t u p a d d a h i l nasangkot si Don sa hit-and-run accident.

Sa panahon ng kagipitan, t a n g i n g p a m i l y a n a l ama n g ang natitirang karamay. Ganito p a r i n k a y a ang mangyari s a p ami l y a M a p a l a d ? P a a n o n i l a malalampasan ang kanilang suliranin at matupad pa kaya ang pinapangarap nilang pag-uwi sa Pilipinas?

Muli kayang sumikat ang araw sa Sunshine Family na unti-unti nang nagkakawatak-watak? Itinuturing ng Spring Films na pinakamalaking pelikula nila, so far, ang Sunshine Family.

Mapapanood sa pelikula ang pinaghalong kahanga-hanga sa kultura ng Pilipinas at Korea. Sadyang pinili ng Korean Tourism Organization para magbida sa Sunshine Family si Sue Ramirez, na nauna nang hinirang noong 2016 bilang South Korean honorary tourism ambassador.

Kadalasang sorpresa sa local movie industry ang nagiging resulta sa takilya ng mga pelikula ng Spring Films. Sana nga’y ngumiti at magliwanag uli ang box office sa opening day ng Sunshine Family bukas.

-DINDO M. BALARES