Patay ang isang pulis matapos tambangan ng riding in-tandem

AMBUSH (3)

sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ni Zamboanga City Police chief, Major Arlan Delumpines, na si Corporal Edgar Gaganting, nakatalaga sa station 4-anti-drug unit sa nabanggit na lungsod, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, pauwi na si Gaganting lulan ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Kaagad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang pamamaril.

Sinabi ng pulisya, isa si Gaganting sa mga miyembro ng anti-narcotics unit na nakaaresto sa anak ng isang kilalang retiradong opisyal ng pulisya, noong Enero.

Ang biktima ay unang pulis na napatay sa lungsod ngayong taon at pang-lima naman mula nang ipatupad ang war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito.

-Fer Taboy