Sa sobrang galit sa pagiging lasenggero umano ng kanyang mister, nasuntok nang malakas at napatay ng isang babae ang kanyang live-in partner sa Barangay Magallanes, Tayug sa Pangasinan.

PUNCHED

Kinilala ang napatay sa suntok na si Bonnie Bautista, 38, habang ang suspek ay si Marivic Tubiera, 31, kapwa ng Bgy. Poblacion, Tayug, Pangasinan.

Dakong 10:35 ng gabi nitong Sabado nang puntahan ng suspek si Bautista na noon ay nakatulog umano sa kalasingan, sa kinapaparadahan ng kanilang tricycle.

3 sa bawat 4 estudyanteng Pinoy, gumagamit ng 'paraphrasing AI tool!'—survey

Sa galit habang ginigising ang biktima ay sinuntok ito ng ginang.

-Liezle Basa Iñigo