NAPANOOD namin ang panayam ni Boy Abunda kay Loisa Andalio sa Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes at isa sa napag-usapan ay ang nakaraang viral video ng aktres.

loisa

Hindi na binanggit kung ano ang tungkol sa video, ang tanging nasabi lang ni Loisa ay malaking pagsubok iyon sa buhay niya, at may dahilan kaya siguro nangyari iyon.

Mas lalong naging matatag si Loisa sa nangyaring iyon sa buhay niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Kumb a g a , kahi t anong p a g s u b o k ‘yung dumaan sa ‘yo, huwag kang susuko. Kumbaga, lahat ng nangyayari d a p a t ma y lesson. Kasi kung walang lesson, wala lang ‘yun,” pahayag ng aktres.

Walang pangalang tinukoy si Loisa, pero ang malaking lesson sa kanya ay hindi raw dapat magtiwala sa mga taong nasa paligid niya kahit pa bago o matagal na niyang kakilala.

“Kumbaga, s a akin din, na huwag ding magtiwala agad basta-basta sa mga taong nakapaligid. Ako kasi, Tito Boy, parang magkita lang tayo isang b e s e s , p a r a n g napakagaan na agad ng loob ko, or parang sobrang kaibigan na talaga kita.

“ ’ Y u n l a n g ‘yung mahirap sa akin. Pero natutunan ko din na, ayun, huwag magtitiwala agad basta-basta, pero hindi masamang maging mabuti sa kapwa,” paliwanag ng dalaga.

Inamin ni Loisa kay Kuya Boy na sa pamilya niya siya humugot ng lakas ng mga sandaling iyon.

“Sa family ko po talaga, Tito Boy. Sila talaga ‘yung nandiyan sa akin. At sa mga kaibigan ko, kay Ronnie (Alonte), kay Ronnie din. At sa mga sumusuporta sa akin,” sambit ng aktres.

Samantala, kinumusta ni kuya Boy ang pagbabati nila ng kaibigan niyang si Maris Racal.

“Nag-contact kami sa isa’t isa na ‘huwag na lang natin palakihin kasi wala naman talaga tayong problema’. Hanggang sa naayos na po talaga,” kuwento ni Loisa.

“Nagkaroon po kami ng dinner. Tapos biglang naging balik sa normal. ‘Yung parang kuwentuhan, biglang naging okay na po,” dagdag pa ng dalaga.

-Reggee Bonoan