Patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang Angat Dam dahil nasa critical level pa rin ito.

DAM (3)

Ito ang inihayag ni incumbent Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at sinabing kinakailangan pa rin ng nabanggit na water reservoir ang malakas na pag-ulan upang mapunan ito ng tubig.

Tinukoy nito ang huling ulat ng Provincial Disaster Rick Reduction and Management Office (PDRRMO) kung saan naitalang bumaba ng 1.34 metro ang water level nito sa nakalipas na dalawang araw.

National

Billboard ni Benhur Abalos, pinuna ni Clarita Carlos

Paliwanag nito, bumaba na sa 168.03 meters above sea level ang lebel ng tubig nito kaninang umaga mula sa 169.37 metrong naitala nitong Biyernes.

Umaasa naman ang opisyal na babalik din sa dati ang water level nito dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan ngayong buwan hanggang sa Hulyo.

-Freddie C. Velez