AMINADO si seventh time IBF Superflyweight World Champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas na hindi naging madali ang kanyang pagharap sa kanyang nakalaban na si Ryuchi Funai nitong Mayo 5 na ginanap sa Stockton California.

Sinabi ni Ancajas na bahagya siyang nahirapan na pigilin ang Japanese Boxer na si Funai bagama’t natalo niya ito sa ikapitong round sa pamamgitan ng Technical Knockout.

“Masasabi ko po na hindi po madali ‘yung laban. Yung caliber po ni Funei is high caliber sa ranking ko,” pahayag ng 27-anyos na si Ancajas.

Aniya, malaking tulong ang nagawa ng kanyang training sa loob ng Marine base sa Ternate Cavite, kung saan siya namalagi ng isang buong buwan bago siya lumipad patungong Estados Unidos, upang makaharap si Funai.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

“Napakalaking tulong po ng naging training ko sa Marines. Wala kaming labasan for a month po. Tapos ‘yung suporta din po sa akin ng Marines, napalaking tulong din po sa naging panalo ko. Na-inspired po talaga ako sa training na ginagawa ng mga Sundalo nating Marino doon,” kuwento pa ni Ancajas.

Sinalubong ng isang parangal mula sa Philippine Navy si Ancajas kung saan tumaggap siya ng Plaque of Recognition pagdating niya kamakalawa buhat sa Estados Unidos.

Kasabay nito, naikuwento din ni Ancajas na posibleng makalaban niya sa huling yugto ng taon ang Mexican fighter na si Juan Francisco Estrada na may record na 39 wins, 26 KO at may tatlong talo.

Ayon sa matchmaker ni Ancajas na si Sean Gibbons, na posibleng matuloy ang laban ng dalawang nabanggit na boksingero kapag nagkaayos ang magkabilang panig.

Si Ancajas ay may tangan na 31 wins, kung saan 21 dito ay galing sa knockout wins.

-Annie Abad