HAHARAPIN ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions ang Go for Gold-CSB sa krusyal playoff ng PBA D-League Foundation na ‘pilay’ sa manpower.

PUMAREN: Problemado.

PUMAREN: Problemado.

Halos kalahati ng buong line up ng Scorpions ang isinailalim sa imbestigasyon matapos masabit sa ‘point-shaving’ violations.

Opisyal na ipinarating ng CEU officials sa PBA ang nakaririnding isyu at desisyon na palaruin lamang ang walong players habang naka-freeze ang siyam na players na sabit sa naturang bentahan ng laro.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nilinaw ng CEU na hindi kabilang sa violators ang foreign-player na si Malik Diouf.

Wala pang opisyal na pahayag ang PBA Commissioner’s Office hingil sa kaganapan. Ang D-League ay ang grassroots sports programa ng PBA.

Tikom din ang bibig ni CEU head coach Derrick Pumaren at hindi na kinumpirma ang naunang pahayag sa nalathala sa online at social media.

Nakakuha ang Manila Bulletin ng kopya ng screenshots ng mga naganap na usapan ng mga players at kasabwat sa naturang ilegal na gawain.

Sa kasalukuyang, isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ng CEU upang papanagutin ang mga players at opisyal na posibleng sangkot sa pangyayari.

-Brian Yalung