Arestado ang limang katao sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), matapos na isumbong ng kapatid ng kanilang courier sa Paco, Maynila, nitong Huwebes.

COURIER_ONLINE

Kinilala ang mga suspek na sina Michelle Medrano, Marissa Antig, Mary Jane Dulay, Alfredo Anyag at Ariel Munoy, pawang ng Paco, Maynila.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng isang babae, na ginagawa umanong drug courier ng mga suspek ang kanyang 14-anyos na kapatid.

Ayon kay Agent Levy Ortiz, hepe ng PDEA-Drug Enforcement Unit, agad na nagsagawa ng operasyon laban sa mga suspek at tuluyang naaresto, at nasamsam ang 30 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P200,000, at drug paraphernalia.

National

SILG Remulla, nakipag-areglo na sa lalaking hubad na natiketan sa Mandaluyong

-Fer Taboy at Jun Fabon