July 15, 2026

Home BALITA

LP, bumwelta kay Sen. Robin matapos hanapin ang 'L' sign

LP, bumwelta kay Sen. Robin matapos hanapin ang 'L' sign
Photo Courtesy: Liberal Party (FB), Screenshot from INCRadio DZEM954/YouTube

Sinagot ng Liberal Party (LP) si Sen. Robin Padilla sa patutsada nito sa ginanap na rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio noong Huwebes, Hulyo 2.

Aniya, "Ang dami nating politiko na dati ay matatapang. Matatapang sila, pero nakalimutan nila ‘to [letter L hand sign]! Nasaan na ‘to? Nasaan?!"

Maki-Balita: Sen. Robin nagpatutsada sa INC peace rally: 'Ang dami nating politiko na dati ay matatapang!'

Ngunit sa isang Facebook post ng LP nitong Biyernes, Hulyo 3, pinagbalik-tanaw nila si Sen. Robin sa mahahalagang yugto ng kasaysayan.

“Noong pinapatay ang libu-libong Pilipino sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon ni Rodrigo Duterte, nasaan kayo? Noong nananawagan kami na huwag suportahan ang mga akusado ng korapsyon, nasaan kayo?” saad ng partido.

National

Mike Defensor, dinala na sa Sandiganbayan sa pagdinig ng kasong plunder!

Bukod dito, hinanap din ng LP ang presensya ng senador at ng mga kabaro nito noong inaatake ang malayang pamamahayag at noong nasa lansangan ang mga Pilipino para ipaglaban ang kalayaan, demokrasya, at pananagutan.

Kaya naman tiniyak ng partido na naririto pa rin ang “Laban.”

Anila, “Hinahanap ninyo ang ‘Laban’ sign? Narito pa rin. Nakataas hindi para sa pansariling interes, kundi para sa hustisya.”

“Nakataas hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa kalayaan. Nakataas hindi para sa iilan, kundi para sa demokrasya at sa sambayanang Pilipino,” dugtong pa ng LP.

Matatandaang inilunsad ng INC ang kanilang tatlong araw na rally matapos maiulat ang napipintong pagsasampa ng kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta dahil sa ₱75-million campaign donation na tinanggap umano nito noong 2025 elections.

Sa kasalukuyan, naihain na ng Ombudsman ang nasabing kaso laban sa senador.

Maki-Balita: ‘Let the facts and the law decide!' Ombudsman, may hanash sa kaso ni Sen. Marcoleta