Ibinunyag ni Senator-elect Imee Marcos na may mga hakbangin para isulong si Senator Cynthia Villar bilang lider ng Senado kapalit ni Senate President Vicente Sotto III.

SOTTO

Si Villar ay kasapi ng Nacionalista Party, gaya nina Marcos at Senators Ralph Recto at Pia Cayetano, na sa kasalukuyan ay pawang kasapi ng super majority sa Senado.

Tinukoy ni Marcos si Senator-elect Francis Tolentino na isa sa mga nagbunyag sa planong iluklok si Villar upang pamunuan ang Mataas na Kapulungan.

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Si Tolentino ay miyembro naman sa PDP-Laban, na kinabibilangan nina dating Senate President Koko Pimentel, Senator Manny Pacquiao, at Senators-elect Bong Go at Ronald “Bato” dela Rosa.

Sakaling mangyari ito, siyam agad ang susuporta kay Villar, at apat na senador na lang ang dadagdag para kilalanin si Villar bilang kauna-unahang babaeng Senate President—at kung sakali, sila ng kanyang mister na si dating Senador Manny Villar ang unang mag-asawang naging pangulo ng Senado.

Una nang sinabi ni Sotto na nagdudulot sa kanya ng sakit ng ulo ang hatian sa komite sa Senado.

Kasapi naman si Sotto ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), kapartido sina Senator-elect Lito Lapid at Senator Win Gatchalian, habang malapit namang kaibigan ni Sotto ang kapwa independent senators na sina Panfilo Lacson at Grace Poe.

Inihayag na ni Poe nitong Miyerkules na lilipat siya sa minorya sakaling palitan si Sotto bilang Senate President.

-Leonel M. Abasola