Ramirez, tinanggap din ang alok ng POC na maging CdM sa SEAG

BAWI, laban. Wala nang atrasan.

SELYADO! Nagkamayan sina PSC Chairman William Ramirez (ikalawa mula sa kaliwa) at POC president Ricky Vargas, habang nakamasid sina Kim Raisa Uy, assistant secretary, Office of the Executive Director Salvador Medialdea at POC executive Ex Picson sa ginanap na media conference kagapon sa PSC.

SELYADO! Nagkamayan sina PSC Chairman William Ramirez (ikalawa mula sa kaliwa) at POC president Ricky Vargas, habang nakamasid sina Kim Raisa Uy, assistant secretary, Office of the Executive Director Salvador Medialdea at POC executive Ex Picson sa ginanap na media conference kagapon sa PSC.

Bago pa ang bukang-liwayway, desidido na si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na bawiin ang naunang desisyon na tangihan ang alok ng Philippine Olympic Committee (POC) para maging Chef de Mission ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

“Pinag-isipan kong maige at tinimbang ang sitwasyon, bago mag-umaga, I decided to accept the CdM. Para sa atleta, para sa bayan,” pahayag ni Ramirez.

Sa isang media conference kahapon, pormal na ipinahayag ni Ramirez ang desisyon sa presensiya nina POC president Ricky Vargas, POC officials Karen Tanchangco-Caballero at Ed Picson, gayundin si Kim Raisa Uy, kinatawan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon kay Ramirez, bagama’t marami siyang kinosidera bago niya tinanggihan ang alok sa nasabing posisyon, ay hindi naman niya kailanman maaring isa-isantabi ang utos ng Pangulong Duterte na masiguro ang matagumpay na hosting ng SEAG.

“Yesterday I declined the offer to be Chef de Mission of Team Philippines for the upcoming 30th Southeast Asian Games, which we host in 5 months. I declined for many reasons,” sambit ni Ramirez.

“I am in constant communication with my superiors in Malacanang, continually monitoring and assessing the sports landsacape of the country. Last night, I was given firm instructions which I shall carry out, knowing beyond any doubt that national interest is primary concern of government, and should be of all. I humbly accept the Chef de Mission post for the Team Philippines’ 2019 Southeast Asian games participation,” aniya.

Ikinatuwa naman ni Vargas ang nasabing desisyon kung saan aniya, ay hindi matatawaran ang suporta ng gobyerno sa nasabing hosting ng bansa para sa 11-nation meet lalo na ang sakripisyo ni Ramirez, upang muling tanggapin ang alok bilang CDM.

“I thank PSC Chairman William “Butch” Ramirez for his personal sacrifice in coming to a difficult decision reconsidering his appointment as Chef de Mission to the 30th SEA Games,” ani Vargas. “I express my sincere appreciation to President Rodrigo R. Duterte for coming to the side of the athletes in their quest for glory in the coming SEA Games. The President has shown that he will always put the welfare of the athletes above else,” ayon pa kay Vargas.

Nitong Lunes, sinibak ni Vargas si Monsour del Rosario bilang Cdm sa kontrobersyal na POC General Assembly at ipinahayag ang appointment ni Ramirez. Pinalitan naman ni POC Chairman Bambol Tolentino si Joey Rosamanta bilang CdM ng 2020 Tokyo Olympics..

Samantala, sa kasalukuyan ay wala pa naman ibinibigay na pangalan si Ramirez para sa kanyang magiging kanang kamay o Deputy CDM na kanyang makaktuwang para sa tupdin ang tungkulin na iniatas sa kanya.

“Wala pa, pero ipapasa ko pa lang ang pangalan sa POC at we’ll have several meetings pa para magprepare tayo,” ani Ramirez.

-Annie Abad