IPINAHAYAG ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kahalagahan ng pagpupursigi sa disiplina at edukasyon sa mga atleta sa isinagawang awarding ceremony ng Barangay 76-A Summer Futsal Clinic and Tournament noong Sabado na ginanap sa S.I.R. Phase 2 covered court sa Davao City.

Mismong si PSC chairman William “Butch” Ramirez ang nagbigay ng pahayag sa mga manlalarong kabataan na lumahok sa nasabing summer clinic.

Ayon kay Ramirez, madali ang maging isang magaling na atleta ng kahit na sino basta may puso at handang magpusigi para sa makamit ang pangarap.

“Gusto mong mahimong outstanding athlete, musikat pero dili na libre. Inyong sakripisyohan og praktis dili kinahanglan anak sa datu maski pobre, ako anak sad ko og pobre, basta maayong kaon og tulog mueskwela, mamasa, maminaw. Hardwork ang sikreto sa kinabuhi. Walay lugar ang batang tapulan sa success. Ipadayon inyong sport pero ayaw kalimti inyong pag-eskwela. Keep playing your sport but don’t forget your studies,” pahayag ni Ramirez.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Kabilang sina PSC commissioner Charles Maxey at Davao City Councilor Mabel Sunga Acosta sa nagbigay ng parangal para sa mga nagkampeon na koponan sa S.I.R. 1 (boys under-10), Doña Pilar (boys under-12) at S.I.R Cute (girls under-12), S.I.R. Boys (mix under-eight) at S.I.R. (boys under-14).

-Annie Abad