ANG daming nag-congratulate kay Juancho Trivino dahil finally, sinagot na siya nang matagal niyang niligawang si Joyce Pring. Masaya at very proud na in-announce ni Juancho sa Instagram na couple na sila ni Joyce.

Juancho at Joyce copy

“Indeed, God’s timing is always perfect, I have been blessed with the opportunity of learning from you, being with you and loving you. Past months have been a rollercoaster ride but I’m glad I got to ride it beside you. I love you, My Girlfriend. #SinagotNiyaNaAko #Panliligaw101.”

Ipinost naman ni Joyce sa IG ang kaparehong photo na ipinost ni Juancho at ang caption niya: “I love you too, @juanchotrivino. #SinagotKoNa101.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Masaya at natutuwa ang mga kaibigan nina Juancho at Joyce na couple na sila, kasama na ang shippers at viewers ng dalawa sa Unang Hirit, kung saan magkasama sina Juancho at Joyce. Inabangan daw talaga nila ang araw na sasagutin na ni Joyce si Juancho.

-Nitz Miralles