TOKYO – Itinanggi ng Malacañang ang mga paratang na ang apat na araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan ay reward sa mga kasama sa kanyang official delegation, sinabing kailangan ng Punong  Ehekutibo ang kanyang team para palakasin ang  kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

JAPAN

Ayon kay Laurel, tinatayang 200 katao mula sa gobyerno ang makakasama sa biyahe ni Duterte sa Tokyo. Nauna rito ay inilista ng Palayso ang 16 na pangalan na kabilang sa opisyal na delegasyon ng Pangulo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na magkaiba ang  posisyon Palasyo at ni Laurel kaugnay sa pagsama ng Cabinet members sa Pangulo sa ikatlong pagbisita nito sa Japan, idiniin na ang mga taong ito ay hindi pinayagang mangampanya para sa sinumang kandidato noong nakaraang halalan.

National

'Huwag kayo tumulad kay Bato at Baste!'—AI student

"It is worth mentioning that Cabinet members were prohibited by the President to campaign for the administration candidates during the last elections. It is therefore sans logic that they can be rewarded when they were disallowed from contributing to the reason or cause for the grant of reward," aniya kahapon.

"The good Ambassador may have been either innocently speculating for lack of information or may have been misinformed of the nature of the trip of the Cabinet members. The latter's presence is necessary," dugtong niya.

Kasunod nito ay idiniin ng opisyal ng Palasyo na kailangan ng Pangulo ang karamihan ng kanyang Cabinet officials sa Tokyo para magpakita ng paggalang sa Japan, at mapatatag pa ang kooperasyon sa gobyerno.

Kasama si Panelo, kabuuang 16 Cabinet officials ang kasama sa delegasyon ni Duterte sa Japan. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, at Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Ang iba pang Cabinet members sa delegation  ay sina Cabinet Secretary Karlo Nograles, Trade Secretary Ramon Lopez, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Transportation Secretary Arthur Tugade, Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña, Energy Secretary Alfonso Cusi, at Information and Communications Secretary Eliseo Rio Jr.

Isinama rin ni Duterte sina National Economic and Development Authority (NEDA) director-general Ernesto Pernia, Communications Secretary Martin Andanar, National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., at Peace, Reconciliation and Unity Adviser Carlito Galvez Jr.

Nasa Japan si Duterte para makilahok sa Nikkei's 25th International Conference on the Future of Asia.

Kahapon, humarap ang Pangulong sa mga negosyanteng Japanese sa isang business forum Imperial Hotel sa Tokyo at hinikayat silang mamuhunan sa Pilipinas.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Beth D. Camia