Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa inaasahang pagpasok ng anim hanggang walong bagyo sa bansa sa Hunyo hanggang Agosto ngayong taon.
Sa economic briefing kahapon sa Malakanyang, sinabi ni PAGASA Deputy Administrator Flaviana Hilario na itinuturing ng ahensiya na peak month ng pinakamalalakas na pag ulan ang Hulyo at Agosto.
Sa buwan pa lamang aniya ng Hunyo, makararanas na ang bansa ng tinatawag na generally near normal rainfall condition, maliban sa mga lugar ng Apayao, Cagayan at Zambales.
Habang ang ilan pang lugar sa Region 1 ay makararanas ng below normal rainfall.
Sa buwan naman ng Hulyo, generally normal above rainfall level ang mararanasan sa bansa, maliban sa Mindanao at Southern Visayas.
Sa buwan naman ng Agosto ay above normal rainfall na ang mararanasang pag-ulan sa bansa.
-Beth Camia