PURO padaplis lang noon ang mga ibinabahaging kuwento ni Heaven Peralejo tungkol kay Jimuel Pacquiao, nang mga panahong nail-link sa kanya ang panganay nina Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

heaven at jimuel

Pero hindi na ngayon. Sa guesting ng young actress sa Tonight With Boy Abunda kamakailan, parang nasa Cloud 9 si Heaven sa pagkukuwento niya kay Boy Abunda kung paano siya niligawan ng anak ng Pambansang Kamao sa loob ng mahigit isang taon.

Ayon kay Heaven, sinadya niyang isekreto ang panliligaw sa kanya ni Jimuel para umiwas sa intriga.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Magalang, mabait, at humble ang description ni Heaven kay Jimuel. Bilib din daw siya sa magandang pakikitungo ni Jimuel sa kanyang pamilya. Ayon kay Heaven, hindi lang siya ang niligawan ni Jimuel, kundi ang entire family niya.

Jimuel also invited her to visit GenSan City, pero hindi ito nangyari, gustuhin man ni Heaven, due to conflict of schedules nilang dalawa.

Sa ngayon, bigay-todo na sila sa paglalantad tungkol sa narating ng kanilang pagkakaibigan, na nagsimula lang sa isang chance meeting sa mall.

-Remy Umerez