Inaresto ng Immigration at police authorities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang hinihinalang American pedophile habang nakikipagkita sa kanyang bibiktimahin, isang babaeng menor de edad.

PEDOPHILE_ONLINE

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) port operations chief Grifton Medina, dinampot si Piotr Kmita, 43, sa entrapment operation ilang minuto nang dumating siya sa NAIA terminal 1 via China Eastern Airlines flight mula Pudong, China, nitong Lunes.

Itinurn over siya sa kustodiya ng Philippine National Police’s women and children protection center (WCPC) sa Pampanga.

National

Sen. Bato, nanghihinayang sa UniTeam: ‘Para nating binudol yung taumbayan’

Ayon kay Medina, kakasuhan si Kmita sa paglabag sa RA 10364 o expanded anti-trafficking in persons act na nagpaparusa sa “procuring a child for prostitution and obtaining a person for the purpose of prostitution, pornography or sexual exploitation.”

Ayon kay Bienvenido Castillo, na namumuno sa BI-NAIA’s border control and intelligence unit (BCIU), nagpasaklolo ang mga tauhan ng US government’s Homeland Security Investigation (HSI) sa BI sa pagmo-monitor sa isang Amerikano, na nadiskubreng sangkot sa sexually explicit conversations sa batang biktima na kinaibigan nito sa Facebook.

“The HSI then relayed the information to the PNP regional office in Pampanga, and we jointly conducted the operations to intercept Kmita upon his arrival in Manila,” dagdag ni Castillo.

Iniulat ni Castillo na sinundan ng awtoridad si Kmita simula nang dumating ito hanggang sa labas ng paliparan kung saan niya kinita ang kanyang bibiktimahin, kung saan din siya inaresto.

-Jun Ramirez