ITATAYA ni undefeated Jayson Mama ang kanyang world rankings bilang No. 10 contender sa IBF at WBO flyweight ratings laban kay one-time world title challenger Ekkawit Songnui ng Thailand sa 10-round na sagupaan sa Hunyo 9 sa Maynila.

Ikalawang sunod na laban ito ni Mama sa isang Thai boxer makaraang talunin sa kanyang huling laban si IBF Pan Pacific light flyweight titlist Teeraphong Utaida via 10-round unanimous decision noong Marso 26, 2019 sa Beijing, China.

Nanalo si Songnui sa kanyang huling laban sa puntos laban sa kababayang si Mongkol Kaokrue sa Bangkok noong nakaraang Mayo 9, 2019.

May kartada si Songnui na 49-6-1 na may 26 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Mama na may perpektong 12 panalo, anim sa pamamagitan ng knockouts. - Gilbert Espeña

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!