PUSPUSAN na ang pagsuporta sa mga Pilipinong atleta ang siyang isinasakatuparan ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC), kaya naman ganito rin ang suportang dapat ibigay ng ahensiya para sa mga atletan na may kapansanan o mga differently-abled athletes.

Kaugnay nito ay nagpalabas ng kabuuang P8.4-million na tulong pinansyal ang PSC para sa Philippine Paralympic Committee para sa pagsasagawa ng 7th Philippine National Para Games sa Mayo 26 sa Bulacan Sports Complex, Malolos City sa Bulacan.

“As much as the PSC supports our abled elite athletes, we are likewise committed in supporting our differently-abled athletes and coaches in local and international competitions,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.

Ang nasabing tulong pinansyal ay inaprobahan sa bisa ng PSC Board Resolution No. 325 noong Marso 5 ng taong kasalukuyan.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Ang PNPG ay isang national sporting event para sa ating mga atletang may kakaibang kakayahan na siya ring magiging daan upang makapili ng mga atleta para sa national Paralympic roster para sa gaganapin na 2020 ASEAN Para Games, kung saan ay magiging host din ang Pilipinas na gaganapin sa Enero 18 hanggang 25, matapos ang SEA Games hosting sa Nobyembre.

“A set of PSC workforce will also be present in the games for monitoring, evaluation and documentation purposes,” ayon naman kay PSC Para-Athletes Oversight Commissioner na si Arnold Agustin.

-Annie Abad