LAST Friday, May 17, ay 25th birthday celebration ni Julie Anne San Jose at nagpasalamat siya sa mga fans at loved ones na kasama niya sa special day na iyon. Abut-abot ang kasiyahan ni Julie Anne, na kababalik nga lamang from New York para sa Kapuso Musikalye show ng GMA Pinoy TV, na ginanap sa King’s Theater sa Brooklyn, New York. Nakasama niya roon ang mga Kapuso stars na sina Alden Richards, Christian Bautista, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Golden Cañedo at Betong Sumaya.

Julie Anne

Masasabi ngang umaapaw ang blessings ni Julie Anne ngayong taon dahil sunud-sunod din ang mga shows niya, bukod pa sa pamamayagpag ng kanyang bagong single mula sa Universal Records Ph, ang Regrets na sabi’y nasulat ang lyrics after ng break-up nila ng dating boyfriend na si Benjamin Alves.

Regular si Julie sa noontime show na Sunday PinaSaya at Studio 7 every Sunday, after ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA 7.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ang pinaghahandaan ngayon ni Julie ay ang paparating niyang concert dubbed as Julie Sings the Diva sa June 20, sa The Theatre at Solaire Resort & Casino, sa Paranaque City. Special guest sa concert si Arnel Pineda.

-NORA V. CALDERON