Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang magkakaloob ng tax incentives at privileges sa small-scale miners sa pagbebenta ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

(RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO)

(RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO)

Ang Republic Act No. 11256, na pinirmahan ng Pangulo nitong Marso 29, ay nais na palakasin ang gross international reserves (GIR) ng bansa, sa pag-amyenda sa National Internal Revenue Code.

Sa ilalim ng batas, ang mga rehistradong small-scale miners ay liban sa pagbabayad ng income at excise tax kapag ibinenta nila ang kanilang ginto sa BSP.

Kitty kay FPRRD ngayong Father’s Day: ‘Until I see you again’

Una rito, nagpapataw ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 5 porsiyentong withholding tax at 2% excise tax sa pagbebenta ng ginto sa BSP.

"The following items shall not be included in gross income and shall be exempt from taxation under this title," saad sa batas. "(1)The sale of gold to the Bangko Sentral ng Pilipinas by registered small miners as defined under Republic Act No. 7076, and accredited traders; and (2) The sale of gold by registered small-miners to accredited traders for eventual sale to the Bangko Sentral ng Pilipinas," dagdag nito.

Nakasaad din na ang gintong ibinenta sa BSP ay dapat "exempt from payment of excise tax."

"In addition to the foregoing, and notwithstanding the existing provisions of Republic Act No. 6938, as amended, and the applicable laws, the sale of gold by registered small-scale miners, as defined under Republic Act No. 7076, to accredited traders for eventual sale to the Bangko Sentral ng Pilipinas shall enjoy the same tax treatment and privileges given to the direct sale of gold to the Bangko Sentral ng Pilipinas under the Tax Code," saad pa rito.

Inaatasan din ng RA 11256 ang BSP Governor, Secretary of Environment and Natural Resources, Secretary of Interior and Local Government at ang Commissioner of Internal Revenue na irekomenda sa Secretary of Finance ang rules and regulations sa pagpapatupad ng batas.

Kinakailangang kabilang sa rules and regulations ang mga probisyon para sa registration at accreditation requirements ng small-scale miners at traders para sa tax exemptions.

Magkakabisa ang batas 15 araw matapos ang ilathala sa Official Gazette o pahayagan.

-Genalyn D. Kabiling at Beth Camia