Arestado ang isang negosyante matapos na makumpiskahan ng P8.5 milyon halaga ng ilegal na droga sa loob ng condo unit nito sa Bonifacio Global City, sa Taguig City, ngayong Miyerkules.
Kinilala ni NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang suspek na si Domingo Tanyao Uy, Jr., 44, nakatira sa 1 Balete Drive Andres North Condominium, sa Quezon City.
Ayon kay Eleazar, inuupahan ni Uy ang unit ng P13,000 kada araw at nagsimulang umupa noong Disyembre 2018.
Aniya, nag-ugat ang operasyon laban sa suspek nang makita ng housekeeping staff na may lamang droga ang vault ng suspek.
Nakumpiska ang anim na pakete na naglalaman ng 4,038 piraso ng hinihinalang ecstasy, na nagkakahalaga ng P6,864,600; 22 pakete ng cocaine, na nagkakahalaga ng P1,855,000; 103 gramo ng MOL, P51,500; at P750,346 cash.
Kakasuhan si Uy sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
-Fer Taboy at Jun Fabon